Customer service ng Ospital ng Palawan, dapat paigtingin ayon sa Sanguniang Panlalawigan

Inirekomenda ng Committee on Health ng Sanguniang Panlalawigan sa Ospital ng Palawan na palakasin nito ang Customer Services at iba pang serbisyo upang maiwasan ang hindi maayos na trato sa mga pasyente.

Ito ay kasunod ng reklamo ng mga naging pasyente ng Ospital dahil sa umano’y masusungit at ma-attitude na mga Nurse at Midwife roon.

Kaugnay nito, Iginiit naman ng pamunuan ng Ospital ng Palawan na kulang sila sa tao kung saan ang isang nurse ay mayroong 30 pasyente na hawak na dapat sana ay labing dalawa lamang.

Ang bawat isang nurse din umano ay madalas nagdu-duty ng 12 hours upang mapunan lamang ang kakulangan sa man power.

Iginiit pa ng ONP na hindi dapat sila ipinagkukumpara sa mga pribadong ospital dahil di hamak na mas marami ang mga nagpapagamot sa kanila.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *