Nakaiwan ng saranggolang nagresulta sa pagkalaslas ng leeg ng isang motorista sa Legazpi City, posibleng bago lang sa lugar

LEGAZPI CITY – Posibleng bago lamang sa Brgy. Tamaoyan, Legazpi City ang taong nakaiwan ng saranggola sa lugar na nagresulta sa pagkakalaslas ng leeg ng isang motorista matapos itong sumabit sa tali habang nagmamaneho noong nakaraang Linggo ng madaling araw.

Sa panayam ng Brigada News FM Legazpi kay Punong Barangay Sylvia Del Agua, sinabi niya na marami kasing ni-relocate na mga pamilya sa kanilang barangay lalo na malapit sa pinangyarihan.

Dagdag pa ni Del Agua, pinagbabawal at hindi niya tino-tolerate ang kanyang mga residente na magpalipad ng saranggola dahil posible itong pag-ugatan ng mga aksidente sa daan.

Sinabi pa ng Kapitan, oras na ma-identify ang nakaiwan ng saranggola o kaya matuklasang menor de edad, agad nilang kakausapin ang magulang nito.

Panawagan din nito, iwasan na ang paggawa at pagpapalipad ng mga saranggola upang hindi na maulit pa ang nasabing insidente.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *