CR sa Land transport terminal ng Puerto Princesa, dapat libre na- Kon. Nesario Awat

Suportado ni Puerto Princesa City Councilor Atty. Nesario Awat ang ideya na dapat ay libre o wala ng  bayad ang CR sa Terminal sa Barangay Irawan.

Ayon kay Konsehal Awat, ito ay dapat libre nang ibigay sa mananakay o mamamayan  ngunit kinakailangan lamang na amyendahan ang kasalukuyang ordinansa tungkol rito.

Read More:  Duterte slams Tinio over Davao flood complaint, questions Marcos admin silence

Mababatid na sa ngayon ay nagbabayad ang mga mananakay o gumagamit ng CR sa terminal kung saan direkta itong napupunta sa City Treasurer’s Office, ayon sa pamunuan ng Terminal.
Samantala, sa oras na maamyendahan ang ordinansa ay mabilis din itong maipatutupad upang wala nang bayarin sa palikuran ng Irawan Terminal.

Read More:  P6-M smuggled goods seized at Dumaguete Port