Naglalayag papunta sa disaster-hit Tonga ang Australian navy ship na una nang nadetect na may mahigit 20 Covid-19 cases, matapos maging komplikado ang aid efforts sa virus-free Pacific island nation nang isuspende ng Japan ang kanilang relief mission, dahil sa hiwalay na outbreak sa kanilang mga crew members.
Ang Tonga na may isa lang na napaulat na coronavirus case, simula nang magsimula ang pandemya ay ginagawa ang bawat hakbang, kabilang na ang pagsisikap ng contactless delivery, para hindi makapasok ang virus sa kanilang lugar, habang tumatanggap ito ng mga tulong mula sa Pacific neighbors, kasunod ng massive volcanic eruption at tsunami, halos dalawang linggo na ang nakakaraan.

Ang HMAS Adelaide na may 23 kaso mula sa mga crew na 600 ay umalis ng Brisbane noong January 21, dala ang humanitarian aid at medical equipment, at nakatakdang dumating sa Tonga, ngayong linggo.
Pero ayon kay Australia’s Defense Minister Peter Dutton, ang mga infected ay nasa isolation at wala nang severe symptoms.
Nilinaw rin ni Dutton na binigyan ng pahintulot ang naturang barko na makadaong sa Tonga para sa paghahatid ng supplies, pero mabilisan lang. //MHEL PACIA-TRINIDAD