Dumami pa ang mga kaso ng Covid-19 sa Olympic Games-related personnel sa China.
Ayon sa Beijing Winter Olympics organising committee, 29 mula sa 36 positive cases ay kabilang sa 1,418 Olympic-related arrivals sa Beijing Capital International Airport.
Mula sa naturang bilang naman, 19 ang mga atleta o team officials, at 10 ay iba pang “stakeholders” o kinabibilangan ng media at Games partners.

Ayonkay Huang Chun, deputy director ng organising committee’s Pandemic Prevention and Control Office, ang pagtaas sa mga kaso ay inaasahan na dahil sa tumataas na arrivals, halos isang linggo bago magsimula ang mga laro. //MHEL PACIA-TRINIDAD