Pangilinan, binanatan ng Pangulo; ‘Trivial matters’, hindi dapat kwestyunin sa panahon ng pandemya

Binatikos muli ni Pangulong Rodrigo Duterte ang ilang miyembro ng Senado na nag-iimbestiga sa COVID-19 supply purchases ng gobyerno.

Sa huling Talk to the People ay binanatan ng Punong Ehekutibo si Senador Francis Pangilinan, matapos nitong kwestyunin ang effectivity ng Bayanihan 1 sa gitna ng global pandemic.

Iginiit ng Pangulo na hindi dapat tinatalakay ang mga trivial na bagay basta’t protektado ang ari-arian at pera ng republika at naipamahagi naman ang mga biniling produkto sa mga benepisyaryo nito.

Read More:  Visayas grid to be placed under yellow alert

Sa hearing ng Senate Blue Ribbon Committee noong Martes, ay pinagpapaliwanag ni Pangilinan si dating PS-DBM chief Lloyd Christopher Lao kaugnay sa mga biniling face masks ng gobyerno mula sa Pharmally.

Read More:  Remulla rebukes Bondoc over ICC warrant service

Ipinunto ni Lao na ang mabilis na pagbili ng gobyerno sa mga face masks ay alinsunod sa Bayanihan 1, na ayon sa kaniya ay naging epektibo noong March 25, 2020.

Kinontra naman ito ni Pangilinan at sinabi na noong April 6 naging epektibo ang Bayanihan 1.