Di na umano maaaring gamitin pa ang mga COVID-19 vaccines na ilegal na ibinebenta dahil wala umanong kasiguraduhan na na-handle ito ng maayos at naitago sa tamang temperatura.
Ayon kay Food and Drug Administration (FDA) Director General Eric Domingo ang bakunang nasabat mula sa sinasabing mga nagbebenta ay napag-alamang tunay pero hindi na maaaring gamitin.
Paliwanag ng director, ito ay dahil ilan sa mga packaging ang nabuksan na at nakita sa isang video na nakalagak ang mga bakuna sa mga cooler sa loob ng sasakyan.
Dagdag pa ni Domingo, tinutunton na ng mga otoridad ang source ng mga bakuna para malaman kung smuggled ba ang mga ito o nakuha mula sa suplay ng gobyerno.
Nanawagan sya sa publiko na i-report ang hinihinalang COVID-19 vaccine vendors sa FDA sa pamamagitan ng website.
Mababatid na tatlong katao ang naaresto dahil sa ilegal na pagbebenta ng COVID-19 vaccin.
Una nang nagbabala si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga illegal sellers na wag nang tangkain pumasok sa ganitong kalakaran.