Patuloy na ang pagbaba ng mga nag-aalinlangan na magpabakuna laban sa COVID-19.
Sa resulta ng Social Weather Stations (SWS) survey, walong porshento nalang ng adult Filipinos ang duda sa immunization, kumpara sa 18 percent noong September 2021.
Ayon sa SWS, ang survey na isinagawa mula December 12 hanggang 16, 2021, lumalabas na mula sa eight percent na ayaw magpabakuna, isa ang nagsabi na siya ay posibleng hindi magpapabakuna, habang ang pito porshento ay nagsabing “surely not.”
Ang vaccine hesitancy ay bumaba ng nine percentage points sa Visayas, mula sa 24 percent noong September 2021 sa 15 percent noong December; at seven percentage points sa Luzon, mula sa 15 percent noong September 2021 sa eight percent noong December.

Lumalabas rin sa survey na ang Metro Manila ang may pinakamababang vaccine hesitancy drop, mula sa seven percent noong September 2021 sa four percent noong December.