Kalinga, Ifugao, Mt. Province, at N. Samar, COVID Alert Level 4 na

Inanunsyo ng Malacañang na isasailalim sa Alert Level 4 ang apat pang lugar sa bansa, simula ngayong araw hanggang sa January 31.

Ang mga ito ay kinabibilangan ng Kalinga, Ifugao, Mountain Province, at Northern Samar, dahil sa mataas na kaso ng COVID-19.

Read More:  Supreme Court budget ruling may figure in new Marcos impeachment bid

Samantala, itinaas naman sa Alert Level 3 ang Apayao; Puerto Princesa City at Masbate sa Luzon; Siquijor mula sa Visayas at Zamboanga del Norte; Zamboanga Sibugay; Lanao del Norte; Davao de Oro; Davao Oriental; North Cotabato; Sarangani; Sultan Kudarat; Surigao del Norte; Maguindanao at Basilan mula sa
Mindanao.

Read More:  Four Philippine Air Force pilots killed as two SF-260 aircraft crash

Ang naturang mga lugar ay una nang nasa ilalim sa mas maluwag na Alert Level 2, pero itinaas sa susunod na alert level status, dahil rin sa tumataas na bilang ng coronavirus cases.