COVID- 19 vaccination sa Camarines Norte halos di makausad, pag abot sa herd immunity pahirapan pa rin

CAMARINES NORTE- Halos hindi makausad ang COVID- 19 vaccination sa lalawigan ng Camarines Norte at ang pag abot sa herd immunity ay tila pahirapan pa rin.

Batay kasi sa pinakabagong datos mula sa Provincial Covid- 19 Vaccination Operation Center hanggang alas 6 ng umaga nitong June 15, nasa 67. 7 percent pa lang ng 512, 997 na target population ang nababakunahan.

Mababa pa rin ang vaccination coverage sa senior citizen na mayroong 35, 293 o 62. 2 percent sa target population na 55, 004.

Read More:  German national dies in Mandaue pension house fire

Sa kabilang dako, mataas na ang vaccination coverage para sa  12- 17 anyos.

Sa target na population na 78, 413 nasa 59, 629 na o 76. 0 percent ang nababakunahan.

Mataas- taas na rin ang bilang ng mga nababakunahan sa age group na 18- 59 na mayroong 243, 917 sa target population na 330, 178 o 73. 9 percent.

Mababa naman ang vaccination coverage sa mga edad 5- 11 taong gulang na mayroon pa lang 8, 466 sa target na 97, 638 o 8. 7 percent.

Read More:  Woman rider suffers injuries after crashing due to stray dog crossing road in Aborlan

Naabot na ng San Vicente at Daet ang herd immunity na mayroong 95. 6 percent at 82. 1 percent ayon sa pagkakasunod- sunod.

Ang mga bayan naman na malapit nang maabot ang 80 percent vaccination rate ay ang Basud na mayroong 79. 9 percent, Capalonga na may 78. 5 percent at Talisay na mayroong 76. 9 percent.

Pinakamababa ang vaccination coverage o wala pa sa 60 percent ang Paracale na may 55. 1 percent, Sta Elena na may 56. 8 percent at Vinzons na may 59. 0 percent.