Team mula DOH CHD Bicol ide- deploy sa Camarines Norte para magsagawa ng demand generation for Covid- 19 vaccination

CAMARINES NORTE- Ide- deploy sa lalawigan ng Camarines Norte ang team mula sa DOH- CHD Bicol para magsagawa ng demand generation for Covid- 19 vaccination.

Ayon kay Twinkle Lorilla, National Immunization Program Regional Nurse Coordinator, darating sa lalawigan ang vaccination team mula sa Regional Office ng DOH- CHD sa susunod na linggo o sa June 20 hanggang 21.

Paliwanag ni Lorilla, ide- deploy ang team sa mga lugar na mayroong mataas na porsiento ng vaccine hesitancy para tulungan ang Local Government Unit.

Read More:  Two die after minivan crashes into house in Cebu

Dito ay ipinapaliwanag ng team kung gaano kahalaga ang COVID- 19 vaccine lalo na para sa mga bata edad 5- 11 at 12- 17 at sa iba pang target age group.

Magsasagawa ng lecture para maunawaan ng mga tao ang kahalagahan ng bakuna at mayroon ding ilalaang oras para sa pagsagot ng katanungan lalo na ng mga magulang at matatanda sa komunidad.

Read More:  Canlaon artisans adapt to calamities with limited materials, volcanic ash crafts

Sa pamamagitan umano ng pagsagot s amga katanungan ay malilinawan at mabibigyan ng tamang impormasyon ang mga tao tungkol sa Covid- 19 vaccine.

Mayroon namang nakaabang na vaccination team ang LGU para sa mga nais at handang magpabakuna pagkatapos ng demand generation.