CAMARINES NORTE- Gagawin din sa dalawang mall ang pagbabakuna kontra COVID- 19 sa 3-day national vaccination na magsisimula sa November 29 hanggang December 1 na tinawag na Bayanihan Bakunahan.
Magkakaroon ng bakunahan sa nabanggit na tatlong araw sa SM City Daet at sa Central Plaza Mall.
Pero bago pa man ang Bayanihan Bakunahan ay ginagawa na talaga ang COVID- 19 vaccination sa nabanggit na mga establisymento.
Magkakaroon ng Simultaneous Regional Launching para sa 3- day national vaccination sa iba’t- ibang lugar sa rehiyon.
Dito sa Camarines Norte ay gagawin ang launching sa Sta Elena Municipal Covered Court pero hindi pa naisasapinal ang oras.
Ayon naman sa Provincial Health Office, bago pa man ang pagsisimula ng 3- day national vaccination ay magsasagawa ito ng motorcade sa Linggo November 28.
Ito ay upang ipaalam sa mga tao ang hinggil sa pambansang aktibidad sa pagbabakuna kontra COVID- 19.
Layon ng aktibidad na mas marami ang mabakunahan upang maabot na ng bansa ang herd immunity.
Batay sa datos ng PHO, umaabot na sa 233, 341 ang bilang ng mga nababakunahan sa lalawigan sa target na mahigit 440,000.
(Photo: CP Mall FB page)
