BICOL–Patuloy ang pagbaba ng aktibong kaso ng COVID-19 sa Bicol region dahil sa mababang mga bagong kaso habang pataas naman ang mga bagong nakakarekober.
Sa huling tala, umaabot na lamang sa 5142 (11.03%) ang active cases sa kabuuang 46,608 na kaso. 12 ang bagong kasong nadagdag kung saan apat nito ay mula sa Albay. Dalawa ang naitala sa Ligao City at tig-isa ang Camalig at Legazpi City.
Tatlo ang nadagdag sa Camarines Norte kung saan dalawa ang naiatal sa Jose Panganiban at isa sa Paracale. Dalawa ang bagong kaso sa Camarines Sur na mula sa Naga City at Tinambac.
Dalawa rin ang nadagdag sa Sorsogon na mula sa Bulan at Sorsogon City habang may isang kaso ang Catanduanes na mula sa bayan ng Gigmoto.
Umabot naman sa 139 ang mga bagong gumaling kung saan 52 nito ay mula sa Camarines Sur, 51 sa Albay, 16 sa Camarines Norte, 13 sa Sorsogon at pito sa Catanduanes.
Sa kabuuan ay umaabot na sa 39,716 (85.21%) ang mga gumaling sa COVID-19 sa Bicol region.
Sa kabila nito, mataas ang mga bagong fatalities na umabot sa 11 na pawang mula sa lalawigan ng Catanduanes kung kaya umaabot na sa 1750 (3.75%) ang death toll ng sakit sa rehiyon.
Kaugnay nito ay patuloy ang paalala ng DOH Bicol sa mga Bicolano na sundin ang BIDA Solusyon plus sa COVID-19 para sa Srerbisyong Salud Bikolnon.### | slm