Mga benepisyaryo ng pabahay sa Bubulusan relocation site sa Guinobatan, Albay nabigyan ng cash assistance

BICOL—Kasabay ng isinagawang ground breaking at kick off ng Bubulusan Relocation Site sa Guinobatan, Albay ay nabigyan din ng cash assistance ang mga benepisyaryo ng nasabing pabahay.

Bawat benepisyaryo ay nakatanggap ng P5000 na layuning matulungan ang mga ito na makapagsimula ng kanilang buhay sa kanilang mga magiging bagong bahay.

Ang naturang relocation site ay mayroong total land area na 14 hectares kung saan limang hektarya ang para sa Phase1.

Read More:  NPA regional committee in Caraga collapses as remaining members surrender

Bawat benepisyaryo ay mayroong allocated na 80 square meters na lupa kung saan ititirik ang bahay na may sukat na 24 sq. m kada unit.

Kabuuang 139 na pamilya ang makikinabang dito na mula sa mga residenteng nawalan ng tirahan dahil sa mga bagyong dumaan noong nakaraang taon.

Read More:  HBONI, DOST push science-based development in Himamaylan IP community

Ito ay isang joint project ng Provincial Government ng Albay sa pakikipagtulungan sa Philippine National Red Cross, Albay PNP, Albay Provincial Human Settlement Office at Provincial Social Welfare and Development Office.

Naroon sa aktibidad sina Guinobatan Mayor Ann Gemma Onjoco, Board Member Eva Ribaya, Ms. Rose Rivero ng Redcross, Police Major Dante Rosal ng PNP, Dr. Eva Grageda, OIC ng PSWDO at Engr. Gina Sipin, Head ng APHSO.### | slm