Obiena, kailangang ma-clear ang 5.90 meters sa Olympics

Ngayong consistent na ang Tokyo-bound Filipino vaulter na si EJ Obiena sa pagkamit sa 5.80 meters ay kailangan nito ngayon na malampasan ang 5.90-meter barrier.

Mababatd na gaganapin ang men’s pole events, sa COVID-19 Tokyo Olympic Games sa July 31 sa Japan Olympic Stadium.

Ipinunto ng national pole-vault coach at ama ni EJ na si Emerson na magiging lampas sa 5.90 meters ang labanan sa Tokyo.

Inihayag ito ni Emerson matapos magawa ang pagsali ng kaniyang anak sa pre-Olympic competitions noong Linggo sa Bahaus Galan meet at Stockholm Olympic Stadium.

Sa naging pagsali ni EJ sa kaniyang ikaapat na meet sa loob ng isang linggo, ay nagtapos ang unang Olympic qualifyer ng bansa sa ikaapat na pwesto na may 5.82 meters sa kaniyang first attempt.

Ayon kay Emerson, sinabi sa kaniya ni EJ na muntik na nito ma-clear ang 5.92 meters sa third attempt nito sa Stockholm, ngunit tumama ang paa nito sa bar habang siya ay pababa.

Nagdomina sa nasbaing event ang top pick at hometown bet na si Mondo Duplantis, na nagtala ng bagong record na aabot sa 6.02-meters sa harap ng mga Swedish niya na kababayan.