COVID- 19 recoveries sa bayan ng Mercedes umabot na sa 60

CAMARINES NORTE- Umabot na sa 60 ang bilang ng mga gumaling sa  COVID- 19 sa bayan ng Mercedes, Camarines Norte matapos na makapagtala ng dalawang bagong recoveries kahapon at wala ring bagong nadagdag sa bilang ng mga nagkakasakit.

Batay ito sa datos ng Municipal Health Office (MHO) as of August 25, 2021.

Read More:  HBONI, DOST push science-based development in Himamaylan IP community

Sa kabuuan nasa 70 ang kabuuang kaso ng COVID- 19 sa naturang bayan na mayroon ngayong tatlong aktibong kaso.

Dalawa sa aktibong kaso ay mula sa Barangay San Roque at isa naman sa Manguisoc.

Ang mga ito ay nagpapagaling ngayon sa ospital.

Sa 26 na barangay ng naturang bayan, ang San Roque ang may pinakamaraming kaso na mayroong 19.

Read More:  Davao City plans 20 new buses, digital tracking system

Anim naman sa mga barangay nito ay nananatiling COVID- 19 free na kinabibilangan ng Barangay 4, Mambungalon, Apuao,  Hamoraon, Lalawigan at Lanot.