Talisay MPS pansamantalang isinara sa publiko matapos na magpositibo sa antigen test ang mga PNP personnel

CAMARINES NORTE- Pansamantalang isinara sa publiko at walang transaksyon ang tanggapan ng Talisay Municpal police station matapos magpositibo sa antigen test ang halos lahat na miyembro ng Talisay PNP.

Sa nakalap na impormasyon ng Brigada news FM Daet, 22 PNP Personnel na nagpositibo sa Antigen Test ay naging direct contact ng isa nilang kasamahan na nagpositibo sa COVID-19

Read More:  Church theft suspect arrested in Bacolod drug bust, police link tattoos and confession

Dahilan upang magpalabas  ng kaatasan si Camarines Norte Provincial Director PCol Julius Guadamor na i-antigen ang lahat ng nasa istasyon

Lima ang nag negative dito, 22 ang nagpositibo sa Antigen

Ngayong araw nakatakdang  gawin ang pagsasailalim sa swab test ng nagpositibo sa antigen test na isasagawa sa Rural health Unit ng LGU Talisay.

bukod sa Talisay PNP na nakabase sa Barangay Poblacion, pansamantala ring isinara ang Talisay PNP POLICE precinct sa Cory Aquino Boulevard upang magsagawa ng disinfection

Read More:  Soldiers trek 25 kilometers carrying school chairs for Indigenous students in Davao del Norte

Samantala, ilang PNP personnel na rin mula sa iba’t-ibang PNP station ang ini-augment para pansamantalang idestino sa Talisay MPS