Bumaba pa sa 3 percent ang COVID-19 positivity rate sa Metro Manila ayon sa Octa research group.
Ayon kay OCTA Research fellow Guido David maituturing umano itong ‘milestone’ sa laban kontra COVID-19.

Mas mababa ito sa 4 percent positivity rate na naitala sa NCR noong Nobyembre 3.
Ayon kay David mas marami na rin ang natetest ngayon kumpara noong nakaraang taon.
Una nang sinabi ng Department of Health nasa 4.3 percent positivity rate na lamang ang kanilang naitatala nationwide.
Pasok din ito sa bench mark ng World health Organization na 5 percent.