Operasyon ng 3 swab cabs sa Naga City sinimulan na; swab testing sa mga close contacts mapapadali

NAGA CITY- Mapapabilis ang swab testing sa mga close contacts ng mga nag positibo sa COVID-19, sinimulan na ang test run ng tatlong swab cab sa Naga City kahapon.

Ang swab cab na ito ay mag-iikot sa mga Barangay sa Naga, sakay ang mga medical technologist mula sa Naga City Health Office, mga volunteer nurses at  midwives,  bitbit an mga Personal Protective Equipment at  Rapid Antigen test kits upang masuri ang mga close contacts na mayroong sintomas.

Read More:  Caretaker dies after stabbing incident in San Vicente, Palawan

Kung positibo sa antigen, magiging confirmed patient na base sa  Department of Health Circular No. 2021-0122  at dadalhin sa Quarantine Facility para sa monitoring at pagpapagaling.

Inihayag sa Brigada News FM Naga ni San Felipe Punong Barangay Al Rodriquez malaking bagay ito upang mapabilis din ang pagtukoy sa mga dapat i-quarantine o isolate.

Read More:  Woman rider suffers injuries after crashing due to stray dog crossing road in Aborlan

Ang San Felipe ay isa sa mga barangay na mataas ang bilang ng lockdown houses nitong mga nagdaang araw.

Nasa likod ng swab cab ang Opisina ng Bise Presidente, 3rd District Representative, LGU Naga, Metro Naga Chamber of Commerce and Industry (MNCCI) , mga civic groups at volunteers.