COVID-19 death toll ng Pilipinas, lampas 47,000 na

Kinumpirma ng Pilipinas ang 175 na bagong nasawi mula sa COVID-19 na dahilan para umakyat ang death toll ng bansa sa 47,074.

Naiulat rin ng Department of Health na tumaas ang kabuoang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa mula nang mag-umpisa ang pandemya sa mahigit 2.82-million.

Read More:  More than 1,100 PNP personnel face penalties amid internal cleansing drive

Dagdag ng DOH, pumalo na sa mahigit 2.75-million ang bilang ng pasyente na gumaling mula sa COVID-19 kabilang na ang 3,152 na bagong recoveries.

Read More:  Lawmaker pushes for passage of 5% student discount bill

Sa ngayon ay meron pang 21,101 na aktibong kaso sa bansa.