Umabot na sa mahigit 6-million ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa United Kingdom kung saan mahigit 130,300 na ang naitalang nasawi.
Ayon sa report, kahapon ay naitala ang 27,429 na mga bagong kaso.
Kumbinsido naman ang mga otoridad na ang pagtaas muli ng kaso ay bunsod ng Delta variant na mas mabilis na kumalat kaysa sa mga naunang variant tulad ng Alpha Samantala, base sa tala, umabot na sa 47,036,796 ang bilang ng mga nabakunahan ng unang dose kontra COVID-19.
Sinasabing dahil sa vaccination ay napababa naman ang hospital admission sa kabila ng pagdami ng mga kaso ng mga infected.
Matatandaan na inalis na din ni Prime Minister Boris Johnson ang lahat ng legal restriction sa England pero mahigpit ang paalala sa mga tao na manatiling cautious dahil hindi pa naman tapos ang pandemya.