CAMARINES NORTE – Nakapagtala ang PNP ng nasa 622 na kaso ng paglabag sa minimum health standard protocols.
Ang nautrang bilang ay naitala sa unang linggo ng buwan ng Agosot mula August 01 hanggang August 05 ngayong taon.
Nasa 117 ang walang suot na faceshield; 289 ang walang suot na facemask; 54 ang lumabag sa mass gathering ; 162 ang lumabag sa Social / Physical Distancing.
Sa naturan ding kabuuang bilang, 494 ang binigyang-babala, 128 ang pinagmulta
Ayon kay PLTCOL Rogelyn Peratero – Incident Commander for Law and Order ng Camarines Norte IMT, kinakailangan ang kooperasyon ng lahat sa patuloy na pagsunod sa minimum health standard protocols para maiwasan na mapatawan ng penalidad sa bawat paglabag

