CAMARINES NORTE- Pumalo na sa 69 ang bilang ng mga pasyenteng nawalan ng buhay dahil sa COVID-19 sa lalawigan ng Camarines Norte
Sa Case bulletin report ng DOH Bicol nitong weekend, 1 kaso ng pagkasawi ang naitala nitong sabado habang 9 naman ang naitala kahapon
Maliban dito ay nakapagtala rin ng 17 panibagong kaso kung saan nitong sabado 8 ang naitala mula sa bayan ng Talisay na may 3 bagongkaso, 2 mula sa bayan ng Daet at may tig-i-isang kaso ang Labo, Paracale at Vinzons
9 naman ang naitalang bagong kaso kahapon, 4 ang nagmula sa bayan ng Labo, 3 sa Daet at 2 sa Mercedes
Nadagdagan rin ng 1 pasyente na gumalaling sa sakit
Sa kasalukuyan ang Camarines Norte ay 249 na aktibong kaso, 1,077 ang nakarekober na at 69 ang nasawi mula sa kabuuang bilang na 1,395

