COVID-19 cases sa Bicol lagpas 20k na; mababang kaso naitala ngayong araw matapos bigong makapagsumite ng specimen ang ilang probinsya

BICOL—Umabot na sa kabuuang 20,028 ang kaso ng COVID-19 sa Bicol region matapos madagdagan ng 31 panibagong kaso.

Kakaunti ang bagong kasong ito kung ikukumpara sa mga nagdaang araw pero ayon sa Department of Health (DOH) Bicol, apat na lalawigan ang bigong makapagpadala ng specimen kung kaya walang naiproseso sa mga ito.

Sa 31 bagong infection, 29 ang mula sa Camarines Sur kung saan pito ang naitala sa Naga City, lima sa bayan ng Lupi, tig-apat ang bayan ng Bato at San Jose, tigdalawa ang bayan ng Lagonoy at Ocampo at tig-iisa naman ang mga bayan ng Libmanan, Milaor, Nabua, Pasacao at Pili.

Read More:  Mother of four dies while queuing for P20 rice in Bukidnon

Dalawang kaso naman ang naitala sa lalawigan ng Albay na parehong mula sa bayan ng Libon.

Bigo namang makapagpadala ng specimen nitong weekend ang mga lalawigan ng Catanduanes, Camarines Norte, Masbate at Sorsogon.

Samantala, mataas ang bilang ng mga bagong recoveries na umabot sa 224. Pinakamarami ang mula sa lalawigan ng Camarines Sur na nasa 93, mayroon namang 72 ang Camarines Norte, 40 sa Masbate, 17 sa Sorsogon at dalawa sa Catanduanes.

Sa kabuuan, ay pumapalo na sa 15,965 ang bilang ng mga gumaling sa COVID-19 sa Bicol.

Read More:  NPA regional committee in Caraga collapses as remaining members surrender

Anim na bagong pagkasawi naman ang naitala kung saan tatlo nito ay mula sa Naga City, dalawa sa Camarines Sur at isa sa lalawigan ng Albay. Bunsod nito, pumalo na sa 739 ang death toll sa sakit sa rehiyon.

Kaugnay nito ay patuloy pa rin ang paalala ng Department of Health (DOH) Bicol sa publiko na sundin ang #BIDASolusyon + sa COVID-19 para sa Serbisyong Salud Bikolnon.

𝐁-Bawal ang walang Mask at Faceshield, 𝐈-isanitize ang mga kamay at iwasan ang kulob na lugar, 𝐃-dumistansiya ng isang metro at limitahan ang interaksyon sa iba at 𝐀-alamin ang totoong impormasyon plus Suportahan ang approved na bakuna.### || SLM