1 kaso ng Delta variant, na-detect sa Taguig City

Na-detect ang isang kaso ng Delta variant ng COVID-19 sa Taguig City.

Ayon kay Taguig Safe City Task Force head Clarence Santos, isa sa 73 detected variants sa lungsod  ay napag-alamang Delta variant batay sa July 12 report ng  City Epidemiology and Disease Surveillance Unit.

Aniya, mayroon ding 26 cases ang Taguig City ng Alpha variant na unang na-detect sa United Kingdom at 46 kaso ng Beta variant.

Read More:  House prosecutors say VP Sara Duterte’s high ratings won’t affect impeachment trial

Di pa malinaw sa ngayon kung kasama ang Delta case sa Taguig sa bagong mga kasong inanunsyo ng Department of Health noong Biyernes.

Una nang inihayag ng Department of Health (DOH) ang 11 local cases ng Delta variant sa bansa.

Read More:  House prosecutor calls ‘kill criminals’ posts ‘cute,’ rejects iron fist

Sa local cases, anim ang na-detect mula Northern Mindanao, dalawang kaso sa Metro Manila, isang kaso na may address sa Central Luzon pero na-test sa Metro Manila, at dalawang dagdag na kaso mula Western Visayas.

Ang limang iba pang bagong Delta variant cases ay mga returning overseas Filipinos.