CAMARINES NORTE- Sumampa na sa 132 ang bilang ng mga tinamaan ng COVID- 19 sa bayan ng Mercedes, Camarines Norte.
Batay sa case bulletin ng Municipal Health Office, nasa 33 ang aktibong kaso kung saan 9 dito ay nasa ospital, 6 ang nasa LIGTAS COVID Center at 18 ang nasa Barangay Isolation Unit.
Umakyat na rin sa 13 ang bilang ng mga nasawi dahil sa sakit.
Sa 27 barangay ng naturang bayan may pinakamaraming naitala sa San Roque na mayroong 26.
Habang nanatiling COVID- 19 free ang islang barangay ng Apuao, Hamoraon at Lanot.
May pinakamaraming tinamaan ng sakit sa age group na 31- 40.
Patuloy naman ang paalala ng LGU sa publiko na sumunod sa health protocols tulad ng pagsusuot ng face mask at face shiled, social distancing at palagiang paghuhugas ng kamay.
Kapansin- pansin din na kumpara dati ay mas naghihigpit na ngayon sa mga matataong lugar lalo na sa fish port na dinarayo ng maraming tao hindi lang mula sa Mercedes kundi maging ang mga taga ibang bayan.
