Otorisasyon para sa booster dose ng COVID-19 vaccine, hiniling ng Pfizer sa Brazil

Hiling ng Pfizer Inc. mula sa health regulator ng Brazil na Anvisa na aprubahan ang aplikasyon nito para sa 3rd dose ng Comirnaty vaccine laban sa COVID-19.

Magiging applicable sa lahat ng age groups ang nasabing request ng Pfizer, kung saan ang bakuna nito ay ginagamit para sa mga may edad 12-pataas.

Makikita naman sa pag-aaral ng Pfizer na nagpapatunay sa kaligtasan ng booster dose na nilahukan rin ito ng mga Brazilian volunteers.

Ipinunto ng regulator na nakasama rin ng volunteers nito ang mga participants mula sa Estados Unidos at South Africa.

Inihayag naman ng Anvisa na pag-aaralan muna nito ang request ng Pfizer sa loob ng 30 araw.