COVID-19 active cases, bumaba sa 56,752

Bumaba ang bilang ng mga COVID-19 active cases sa 56,752, matapos na 4,734 lang ang naitala ng Department of Health na mga bagong infections.

Ito ang pinakamababang bilang ng kaso na naitala simula noong March 18, matapos na 12 laboratoryo ang bigong makapagsumite ng datos on time. 

Sa ngayon, nasa 1,113,547 na ang kabuoang virus tally.

Kaugnay nito, sinabi ng DOH na 7,837 pang mga pasyente ang nakarekober mula sa sakit, dahilan para tumaas ang total recoveries sa 1,038,175, habang 59 pa ang bagong fatalities, dahilan para sumipa ang death toll sa 18,620. // MHEL PACIA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *