Duterte, magreresign kung…

Ikokonsidera ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagbibitiw sa pwesto kung hindi umano nito maibibigay ang “barest minimum” na katamihikan sa Mindanao kasunod ng bagong pag-take sa isang bayan sa Maguindanao.

Para kay Duterte, maikokonsidera umano niyang “failure” kung hindi niya ito magagawa, at wala narin umano siyang dahilan para manatili sa pwesto.

Read More:  Defense may call Zuleika Lopez as witness in VP Sara trial

Kasunod ng balitang pag-atake, sinabi ng pangulo na naiisip niya ang takot ng mga tao na doon, habang pabalik-balik ang takbo  ng mga ito.

Sa gitna nito, ikinalulungkot rin ng pangulo ang naturang insidente.

Matatandaan na noong May 8, mahigit 100 gunmen mula sa Bangsamoro Islamic Freedom Fighters ang omokupa sa Datu Paglas, Maguindanao na nagresulta sa palitan ng putok sa pagitan ng naturang grupo at ng militar.

Read More:  Marcoleta transferred to Quezon City Jail after hospital clearance

Matapos ang anim na oras na standoff, muling nabawi ang naturang bayan, habang wala namang naitalang casualties. // MHEL PACIA