Consulate sa New York, pinag-iingat ang mga Pilipino vs monkeypox, COVID-19

Pinaalalahanan ng Consulate General of the Philippines in New York ang ating mga kababayan dito daihl sa pagtaas ng mga kaso ng COVID-19 at ng monkeypox.

Ayon sa konsulado, naitala ang surge ng COVID-19 cases sa New york dahil sa pagdami ng mga na-infect ng BA.5 omicron subvariant.

Read More:  Sen. Pia Cayetano elected new chairperson of Senate Blue Ribbon Committee

Inabisuhan ang ating mga kababayan na manatili sa pagsusuot ng mga face masks sa mga public indoor settings, at bawasan na muna ang mga gatherings sa mga maliliit na lugar.

Hinikayat din ang mga tio na magpa-test sa oras na ma-expose o makaramdam ng sintomas; magpabakuna; at ugaliin ang paghuhugas ng kamay.

Read More:  Senate to convene as impeachment court vs VP Sara Duterte on May 18

Maliban sa COVID-19, naitala rin ang mataas na kaso ng monkeypox.

Sa Advisory, sinabing 75% ng monkepox cases ay nasa Manhattan.

Dahil dito, inabisuhan ang ating mga kababayan na kaagad makipag-ugnayan sa health autorities sakali mang makakita ng mga rashes at iba pang sintomas ng monkeypox.
#