Legal aid para sa mga pulis na mahaharap sa kaso, balak buoin ng DILG

Nangako si Interior Secretary Benhur Abalos na bubuo ito ng isang team na siyang tututok sa pagbibigay ng legal aid para sa mga pulis na haharap sa mga kaso.

Sa pagharap ng bagong Kalhiim sa flag-raising ceremony sa Kampo Krame, sinabi ni Abalos na ito ay paraan para maiwasan ang pagbaba ng morale ng mga kapulisan.

Read More:  Comelec targets reopening of voter registration in Feb 2027

Aniya, kung ginagawa naman ng mga pulis ang kanilang trabaho, walang dahilan para mangamba ang mga ito.

Giit ni Abalos, ang team na kanyang bubuoin ang siyang tututok sa pangangalap ng mga ebidensya lalo na kung inosente naman ang mga pulis.

Read More:  President may appoint senator or lawmaker as replacement if VP Sara is impeached

Naibahagi rin nito na noong siya pa ang Alkalde ng Mandaluyong, maraming mga pulis doon ang nais tumulong sa anti-illegal drugs operations ngunit nagdalawang siip ang mga ito dahil sa mga kasong inihahain laban sa kanila.
#