DILG, ipinag-utos sa PNP na paigtingin ang kampanya laban sa cybercrimes

Inatasan ni Interior Secretary Benhur Abalos ang Philippine National Police na paigtingin pa nito ang kampanya laban sa mga cybercrimes.

Sa pagharap ng bagong Kalihim sa flag-rasing ceremony sa Kampo Krame, sinabi ni Abalos na magmula noong pandemya, lalong naging talamak ang mga krimen sa internet kabilang na ang cyber pornography.

Read More:  Teachers’ Group again calls for proper implementation of education programs

Sabi ni Abalos, handa itong magdagdag ng mas maraming ‘technical perseonnel’ sa PNP Anti-Cybercrime unit para mapalakas ang mga operasyon nito.

Pagtitiyak ng Kalihim, sabihan lang siya ng PNP kung mayroon itong mga kinakailangang equipment at handa nila itong ibigay.

Read More:  VP Sara Duterte camp vows full cooperation in Senate impeachment trial

Bukas din umano si Abalos para sa pagsasagawa ng trainings at seminars sa kanilang mga tauhan para lumawak pa ang kaalaman sa mga makabagong uri ng krimen na ito.

Maliban sa anti-cybercrime operations, dapat din aniyang paigtingin pa ng PNP ang mga programa nito sa information dissemination para maprotektahan ang mga Pilipino lalo na sa social media.
#