Construction ng Dialysis Center sa Tacurong, nagpapatuloy

KORONADAL CITY — UMAABOT na sa mahigit P30-Million ang pondo ng city government ng Tacurong sa pagpapatayo ng Dialysis Center sa lungsod.

Ito ang kinumpirma ni City Information Officer Allan Freno sa panayam ng 95.7 Brigada News FM Koronadal.

Read More:  13 arrested in Cebu over P1.7M unregistered cooking oil

Ayon kay Freno, kabilang sa nasabing pondo ang mga equipment na gagamitin sa two-story building na pasilidad.

Layunin ng nasabing dialysis center na makapag-bigay ng libreng dialysis sa mga pasyenteng nangangailangan nito.

Read More:  Police captain killed in shooting inside Capiz KTV bar

Marami din umanong mga klinika ang maaaring maka-access sa nasabing pasilidad para sa kanilang mga pasyente.