COTABATO CITY — PINANGUNAHAN kahapon ng umaga ng Civil Society Organization – Movement for Moral Governance ang pagsasagawa ng MEDIA FORUM kaugnay ng panawagang icertify ng Pangulong Duterte bilang urgent bill ang extension ng transition periid sa BARMM.
Sa nasabing programa na isinagawa sa Moro Cafe sa loob ng Bangsamoro Government Center sa lungsod, naging guest speaker si 2nd District of Maguindanao Cong. Esmael “Toto” Mangudadatu na tumatayong Chairperson ng Committee on Peace, Reconciliation and Unity sa Kamara.
Inihayag ni Mangudadatu na halos lahat ng mga congressmen sa limang probinsya ng rehiyon ay nagpahayag ng pagsuporta sa panawagang pagpapalawig sa transition period ng BTA Naniniwala ang opisyal na kulang na kulang ang tatlong taon na pamamahala ng Moro Islamic Liberation Front o MILF sa bagong tatag na rehiyon kaya nman hindi masama na humiling sa Pangulo ng karagdagang tatlong taon upang makompleto ang lahat ng mga naging kasunduan mula sa CAB, FAB at sa BOL.
Pakatandaan sana anya na kung hindi sa ginawang pakikibaka ng MILF/MNLF sa noon ay mapang aping Pamahalaan ay siguro wala na sa sirkulasyon ang mga Bangsamoro people.
Hindi rin basta-basta na humawak ng isang gobyernong tulad ng BARMM dahil ang mga kasalukuyang nakaupo ay nasanay sa paghawak ng mga baril at hindi ng lapis at papel.
Gayunman, kung ikukumpara anya sa dating ARMM ay di mas hamak na mas maganda ang takbo ng Pamamahala ng Bangsamoro Government lalo pat ang mga nakaupong opisyales nito ay nanumpa na kanilang gagampanan ng maayos ang kanilang mga tungkulin.
Kampante si Congressman Mangudadatu na pagbibigyan ang kahilingan ng MILF na maextend pa ng tatlong taon ang transition period ng BTA at hindi sya magsasawang ligawan ang Presidente para dito. (Jom Dimapalao)