Congressman Mangudadatu may apela sa mga taga Maguindanao ngayong panahon ng pandemya

COTABATO CITY — Hinikayat ngayon ni Maguindanao 2nd District Representative Esmael Mangudadatu ang publiko na samantalahin ang rollout vaccination ng Pamahalaan laban sa nakamamatay na corona virus.

Ayon kay Mangudadatu, nakakatakot kung ikaw ay kapitan ng nasabing karamdaman.Maging sya man ay hindi nakaligtas sa virus at kabilang sa mga naramdaman nito ay ang pagkakaroon ng hirap sa paghinga, pagsakit ng lalamunan at iba pang mga sintomas nito.

Read More:  DILG chief reveals options given to Jinggoy Estrada as arrest warrant looms

Nakiusap ang opisyal sa lahat ng kanyang mga kababayan sa probinsya ng Maguindanao na hwag matakot magpabakuna dahil ito ay ligtas.Ginawa ng mambabatas ang paghihikayat na ito kasabay ng kanyang pagdalo sa isinagawang media forum ng Civil Society Organization for Moral Governance sa Cotabato City kahapon ng umaga.(Jom Dimapalao)

Read More:  DILG chief reveals options given to Jinggoy Estrada as arrest warrant looms