Congressman Mangudadatu may apela sa mga taga Maguindanao ngayong panahon ng pandemya

COTABATO CITY — Hinikayat ngayon ni Maguindanao 2nd District Representative Esmael Mangudadatu ang publiko na samantalahin ang rollout vaccination ng Pamahalaan laban sa nakamamatay na corona virus.
Ayon kay Mangudadatu, nakakatakot kung ikaw ay kapitan ng nasabing karamdaman.

Read More:  Woman rider suffers injuries after crashing due to stray dog crossing road in Aborlan


Maging sya man ay hindi nakaligtas sa virus at kabilang sa mga naramdaman nito ay ang pagkakaroon ng hirap sa paghinga, pagsakit ng lalamunan at iba pang mga sintomas nito.


Nakiusap ang opisyal sa lahat ng kanyang mga kababayan sa probinsya ng Maguindanao na hwag matakot magpabakuna dahil ito ay ligtas.

Read More:  24 Chinese nationals arrested in Davao del Norte operation


Ginawa ng mambabatas ang paghihikayat na ito kasabay ng kanyang pagdalo sa isinagawang media forum ng Civil Society Organization for Moral Governance sa Cotabato City kaninang umaga.(Jom Dimapalao)