Mga sumukong BIFF tumanggap ng bigas at Cash Assistance mula sa Pagalungan LGU

Tumanggap ng bigas at Cash Assistance ang anim kataong myembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters o BIFF mula sa tanggapan ni Pagalungan Mayor Datu Salik Mamasabulod matapos itong magbalik loob sa pamahalaan.

Katuwang ng LGU ng bayan sa programang ito ang 90ib ng Philippine Army sa pamumuno ni Lt. Col. Rommel Mundala kung saan patuloy nilang hinihikayat ang mga naliligaw ng landas na magbalik loob na sa gobyerno para makapamuhay ng maayos kasama ang kani-kanilang mga pamilya.

Read More:  NPA regional committee in Caraga collapses as remaining members surrender

Mismong kay 602nd Brigade Commander Brigadier General Roberto Capulong itinurnover ang nasabing mga baril na bitbit ng mga ito.Ito ay sinaksihan rin ng Pagalungan Municipal Police Station sa pangunguna ng kanilang hepe PLt. Merven Caborneda at mga Barangay opisyal ng bayan kasama ang mga Municipal Councilors.

Read More:  14-year-old PWD dies in Cebu house fire

Ayon kay Pagalungan Vice Mayor Datu Abdilah”ab’z”Mamasabulod, magpapatuloy ang magandang samahan na ito ng LGU, 90Ib at kapulisan sa bayan para sa pagpapanatili ng katahimikan(German Nhor)