Confidential at intelligence fund, bumaba ngayong taon ayon sa DBM

Inanunsyo ni Department of Budget and Management Secretary Amenah Pangandaman ang malaking pagbaba ng confidential and intelligence funds (CIFs) sa panukalang 2025 national budget kumpara sa 2024 General Appropriations Act (GAA).

Sa ilalim ng 2025 proposed budget nasa P10.29 bilyong pondo ang inilaan para sa CIFs, kung saan P4.37B ang para sa Confidential Expenses at P5.92B naman para sa Intelligence Expenses.

Read More:  Marcos rejects claim flood control cases target Senate majority

Mas mababa ito ng 16% mula sa P12.38B ng 2024 GAA.

Ayon pa kay Pangandaman, sa kabuuan nasa 11.39 billion pesos ang natanggap nilang CIF budget proposal mula sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan

Read More:  Palace rebukes Pulong Duterte over criticism of Marcos administration

Pero binigyang diin ng kalihim na kailangang sumunod ng mga government agencies sa patakaran sa pag gamit ng CIFs.

Nabatid na isinumite na kahapon ng DBM sa Kongreso ang kopya ng National Expenditure Program o NEP.