Committee on Agriculture, patuloy ang mga hakbangin upang tulungan ang sektor ng magingisda sa lungsod

SORSOGON CITY – Kinumpirma ni City Councilor Erwin Duana Chairman ng Committee on Agriculture na sinimulan ng iimplementa noong buwan ng Enero ang 3 year moratorium ng  pagsususpende sa babayaran ng mga mangingisdang expired ang rehistro ng mga bangka.

Ayon sa opisyal, hakbang umano ito upang matulungan ang mga mangingisda sa lungsod at mapagaan kahit kaunti ang krisis na kanilang pinapasan lalo na ang mga madalas mahuli dahil sa expired na rehistro.

Read More:  American national shot dead while watching TV in Negros Oriental

Bukod pa rito, sinabi din ng opisyal na upang hindi na magastusan at maabala ang mga ito  pagtungo sa City hall, ay kanila na ring inatasan ang mga empleyado ng City Agricultures Office na ang mga ito na ang personal na magtungo sa mga barangay para sa registration ng mga bangka ng mga mangingisda sa lugar.

Read More:  Church theft suspect arrested in Bacolod drug bust, police link tattoos and confession

Aniya, lubos na rin kasi ang pahirap sa mga mangingisda na bukod sa kakarampot ang kinikita ay laging apektado ang kabuhayan tuwing mayroong sama ng panahon kung kaya marapat lamang umano na mabigyan ang mga ito ng konsiderasyon at kaunting tulong.