Tiniyak ng Commission on Elections (COMELEC) na wala pang mga lugar na dapat ideklara bilang “areas of concern” para sa 2025 national at local elections.
Ayon sa Philippine National Police (PNP), naipasa na nila ang listahan ng mga “Potential Election Areas of Concern” sa Comelec at ito ay kasalukuyang nirerepaso.
Sinabi pa ni PNP Spokesperson Police Colonel Jean Fajardo, maaaring ideklara ang isang lugar na “area of concern” kung may naganap na karahasan kaugnay ng halalan, may matinding political rivalry, o may presensya ng mga private armed groups.
Samantala, ang COMELEC naman ang may karapatan na magdeklara ng mga pulis na i-dedeploy sa mga lugar kapag natapos ang validation ng Joint Security Council.