Tiniyak ng Commission on Elections na tuloy pa rin ang halalan para sa mga lugar na binayo ng Bagyong Agaton.
Ayon kay Comelec Commisisoner George Garcia, inilalatag na ang mga hakbang para masigurong makaboboto pa rin ang ating mga kababayang hinagupit ng bagyo habang magpapatuloy pa rin ang pagde-deliver sa mga election paraphernalias at mga vote counting machines sa mga Agaton-hit areas.
Wika ng poll body chief, walang nabago sa schedule ng kanilang logistics kahit na napinsala ang ilang mga voting centers sa ilang bahagi sa Visayas.
Bago ito, sinabi ni Comelec Executive Director Bartolome Sinocruz na maglalatag sila ng mga ‘makeshift’ voting centers.

Ito ang magiging mga pansamantalang pasilidad kung saan ay makakaboto pa rin ang mga botante matapos mawasak ang mga paaralan sa lugar.
Sa ngayon, kinumpirma ni Sinocruz na wala namang nasirang mga VCMs sa Visayas matapos ang bagyo.
#