3 POIs sa Bukidnon shooting, kakasuhan ng frustrated murder ngayong araw

Nakatakda nang kasuhan ngayong araw ng frustrated murder ang tatlong mga person of interest sa naganap na pamamaril sa grupo ng presidential candidate na si ka-Leody de Guzman sa Quezon, Bukidnon.

Sa isang panayam, sinabi ni Northern Mindanao Police Regional Director Brig. Gen. Benjamin Acorda na inihahanda na ang mga kasong isasampa sa tatlong POIs na bahagi ng security agency na naka-poste sa plantasyon kung saan naganap ang pamamaril.

Read More:  Acidre urges Senate to prioritize impeachment over flood control hearings

Kinukumpirma pa rin daw sa ngayon ang mga ulat na ‘direktang pinaputukan’ ang mga miyembro ng Manobo tribe at hindi na nagpaputok ng mga warning shots.

Bago ito, una nang kinumpirma ng PNP na narecover sa pinangyarihan ng insidente ang walong shotgun, dalawang 9mm na pistol, at isang kalibre .38 na baril.

Read More:  Ex-DBM chief Pangandaman charged over PhilHealth fund transfer

Isasailalim ang mga ito sa eksaminasyon para malaman kung alin sa mga baril ang ginamit sa pagpapaputok dahilan para masugatan ang limang mga indibidwal.

Titignan din kung nag-apply ba sila ng exemption sa umiiral na Comelec gunban.

#