Asahan na sa susunod na linggo ang isa na namang round ng ‘big-time’ na umento sa presyo ng produktong petrolyo.
Sa pagtataya ng oil industry sources, naglalaro sa P4 hanggang P5 ang posibleng itaas sa kada litro ng diesel, habang P3 hanggang P3.15 naman ang umento sa kada litro ng gasolina.
Kinumpirma naman ito ni Department of Energy – Oil Industry Management Bureau Director Rino Abad sa isang panayam.
Aniya, bagamat hindi pa tiyak kung magkano ang eksaktong itataas sa fuel prices, asahan na malaki ang umento rito.
Isa sa mga tinitignang dahilan ng price hike sa world market ay ang pagluwag ng lockdown restrictions sa China dahilan para tumaas ang demand sa petrolyo.

Posible rin umanong naka-apekto ang paghinto sa peace talks sa pagitan ng Russia at Ukraine.
Sa ngayon ay tuloy pa rin aniya ang monitoring sa pandaigdigang merkado para malaman ang final projection sa magiging presyo ng krudo sa susunod na Martes.
#