COMELEC pinalawig ang oras ng voter’s registration sa ilang lugar sa bansa

Pinalawig pa ng Commission on Elections ang oras ng pagpaparehistro sa ilang mga lugar sa bansa.

Sa inilabas na kalatas ng Comelec pinahaba ang voter registration hours mula alas-otso ng umaga hangang alas siyete ng gabi tuwing Lunes hangang Biyernes.

Read More:  Robredo sees no political bias in Marcos calamity fund distribution

Subalit hangang alas-singko ng hapon lamang ito sa araw ng Sabado.

Sakop ng extended registration period ang lahat ng lugar sa NCR, pati na ang ilang bayan sa Pangasinan,Tarlac, Quezon, Camirines Norte, Sorsogon, at ilang lungsod ng Cebu.

Read More:  PAGASA warns of danger-level heat index in 16 areas

Samantala nilinaw naman ng Comelec na ang mga lugar na hindi sakop ng kautusan ay mananatiling hangang alas-singko ng hapon ang voter registration hours.