Walang Pinoy na nadamay sa Beirut shooting – PH Embassy

Ini-ulat ng Philippine Embassy sa Lebanon na walang Pinoy na nasaktan sa madugong shooting incident sa Beirut noong Huwebes.

Ayon sa embahada patuloy silang nakamonitor sa sitwasyon ng bansa at nakahanda sakaling may mga Pilipinong nangangailangan ng kanilang tulong.

Read More:  House prosecution panel criticizes Sara Duterte’s defense team over renewed ‘fishing expedition’ claims

Pinayuhan naman nito ang mga kababayan natin nagtratrabaho at naninirahan sa Lebanon na maging mapagmatyag at iwasan munang lumabas kung hindi naman importante ang lakad.

Ayon sa embahada nakataas pa rin sa alert level 2 ang restriction phase sa lugar dahil sa kaslaukuyang political-economic situation kasunod ng itinuturing na ‘deadliest civil violence’ sa Beirut simula noong 2008.

Read More:  Palace assures stable prices for 190 basic goods until year-end

Nabatid na anim ang patay at marami ang sugatan matapos atakehin ng grupong Shi’ites ang Hezbollah supporters habang nagsasagawa ng protesta matapos tanggalin ang huwes na nag-iimbestiga sa nangyaring pagsabog noong nakaraang taon.