House Speaker Velasco tiniyak ang mabilis na transmittal sa Senado ng GAB

Tiniyak ni House Speaker Lord Allan Velasco ang mabilis na transmittal sa senado ng 2022 National Budget na nakapasa na sa mababang kapulungan ng kongreso.

Ayon kay Velasco posible umanong maibigay sa Senado ang printed copy ng P5.024-trillion General Appropriations Bill (GAB) bago ang October 27.

Read More:  Romualdez ready to face Ombudsman complaint, says he will answer allegations

Ito ay upang mabigyan ng sapat na oras ang mga senador para pag-aralan at mabusisi ang 2022 expenditure plan ng pamahalaan.

Kumpiyansa naman si Velasco na ang budget para sa susunod na taon ay makakatulong para sa pagbangon ng bansa mula sa COVID-19 pandemic.

Read More:  Marcos nears completion of fifth SONA speech

Pinasamalatan naman ng House Speaker ang Appropariations committee sa Kamara sa pagbalangkas ng budget na nakatuon sa pangangailangan ng bansa sa gitna ng kinakaharap na pandemya.