COMELEC – naipadala na sa Senado ang kopya ng COC ni Bamban Mayor Guo

Naisumite na Commission on Elections (COMELEC) ang kopya ng certificate of candidacy ni Bamban Mayor Alice Guo sa Senate Committee ni Sen. Risa Hontiveros.

Ito ay bahagi pa rin ng nagpapatuloy na imbestigasyon sa Philippine offshore gaming operators (POGOs).

Ayon kay COMELEC Chairman George Garcia, nakatakbo sa pagka-alkalde si Guo dahil wala namang kumwestyon sa kanyang certificate of candidacy.

Kaugnay nito, sinabi ni Garcia na kailangan na ng mas mahigpit na batas sa certificates of candidacy dahil ang tungkulin aniya ng Comelec sa pagtanggap ng mga COCs ay ‘ministerial.’

Giit nito, dapat gawing hindi ministerial ang duty ng komisyon, at may karapatan aniya silang mag-refuse at tumanggap ng COCs.

Kailangan na rin daw mag-require na maglakip ng mga dokumento na magpapatunay sa mga deklarasyon nila gaya ng edad, at birth certificate.

Samantala, isinumite na rin ni Mayor Guo ang kaniyang Statement of Contributions and Expenditures (SOCE) sa Senado.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *