Shuttle van, naaksidente; walong pasahero, nakaligtas

Walang malubhang nasaktan sa walong pasahero ng isang shuttle van nang maaksidente ito sa Highway ng Brgy. Labog, Sofronio Española, Palawan bandang alas-otso ng umaga nitong Martes, ika-14 ng Mayo.

Ang driver ng van ay kinilala ng PNP na si Melnard Silvano Canque, 45-anyos.

Ayon sa PNP, mula umano sa bayan ng Quezon ang van at patungo sana sa Brgy. Buliluyan, Bataraza, Palawan nang mag-overshoot at dumulas ang gulong bago bumangga sa barikada sa gilid ng daan.

Samantala, nagtamo ng minor injury ang mga pasahero na agad nasaklolohan ng rescue team.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *