Grupo, naghain ng reklamo sa Anti-Cybercrime Group laban sa mga nasa likod ng deepfake video ni PBBM

Naghain ng reklamo sa tanggapan ng Anti-Cybercrime Group sa Camp Crame ang isang grupo laban sa mga nasa likod ng deepfake video ni Pangulong Bongbong Marcos.

Sa pangunguna ni Dr. Raymond Apacible Aragon, Chairman ng Kapisanan ng Social Media Broadcasters ng Pilipinas, paglabag sa Article 154 ng Revise Penal Code in relation to Anti Cybercrime Law ang pananagutan ng nasa likod ng deep fake video.

Ayon kay Apacible, may implikasyon sa national security ang pagpapakalat ng pekeng balita dahil maari itong makaimpluwensya ng paniniwala.

Kasama sa mga inireklamo ay nasa 4 na social media influencers at social media pages na posible pang madagdagan.

Kaugnay nito, nakipag-ugnayan na rin umano siya kay DILG Sec. Benhur Abalos para habulin at papanagutin ang mga nasa likod ng deep fake video.

Matatandaan na nagbabala na ang Malakayang sa publiko sa deep fake video kung saan maririnig ang boses ng Pangulong “Bongbong” Marcos.

Sinabi rin ng Presidential Communications Office na minanipula ang video at nagawa ito sa pamamagitan ng Artificial Intelligence.

Ayon pa sa tanggapan, may aktibong kampaniya sila laban sa fake news at pagpapakalat ng mga maling impormasyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *