Comelec, nagbabala sa mga nag-aakusa ukol sa poll’s integrity ngayong eleksyon

Nagbabala ang Commission on Elections (Comelec) sa mga nag-aakusa at kumi-kwestiyon sa kanilang integridad para sa halalan ngayong taon.

Ayon kay Comelec Commissioner Rey Bulay hihingi sila ng tulong mula sa Armed Forces of the Philippines (AFP) para arestuhin ang mga taong nagdudulot ng election disorders.

Read More:  Acidre brands Imee Marcos video ‘political vandalism’

Aniya hindi sila magdadalawang-isip na ipahuli ang sinumang magco-comment na may kinakampihan o mandadaya ang komisyon ngayong darating na eleksyon.

Read More:  Labor group pushes ‘no work, no pay’ rule in Senate

Samantala, nauna ng sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na sisiguraduhin niyang maayos ang magiging takbo ng halalan sa kanyang termino. || ARGIE ERGINA